Kilalang Mga Post

Biyernes, Nobyembre 11, 2011

Sino ba talaga ako?

Ang buhay Pilipino ay parang showbiz, maraming kasinugalingan sa paligid dahil sa mga chismis na mapanira; mga taong manggagamit kung maalam ka o mapera at higit sa lahat maraming intrigang darating dahil sa kalaban ng Diyos - si Lucy.


      Ang pagkatao ko ay hindi basta-basta. Lumaki ako dito sa Metro Manila pero ang paraan ng pagpapalaki lalong lalo na sa akin ay laking Probinsya kuno. Totoo yun! Napaka istrikto ng yaya namin dati na tipong nagkakapasa ako sa mga hita ko, basta yun na yun. Huwag na nating pakialaman pa ang pangit kong nakaraan...Magsimula tayo sa kindergarten.
      Ang titser ko noon ay si Mrs. Quilon, magaling siyang guro, matangkad at maigsi ang kanyang buhok tapos ang naaalala ko lang na sinabi niya sa akin ay noon nagpapraktis kami ng sayaw tapos di ko masundan kaagad yung mga steps. Ang sabi niya sa akin ay ganito . . . 


"Matigas ang katawan mo."


Hindi ko na eksaktong maalala kung anong klaseng pakiramdam ang nadama ko nuon. Parang di siya magandang pakinggan at medjo nasaktan na yata ako noon.


Ang susunod ay kolehiyo. {Fragments of it furst.}
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento